Agad inasikaso ni Speaker Martin Romualdez ang mabilis na paglalabas ng nasa P25 million na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa may 1,000 pamilyang nasunugan sa Bacoor, Cavite.
Sa pondo ng AICS o AKAP, huhugutin ang ipapaabot na ayuda, medical assistance at maging temporary shelter para sa mga apektadong pamilya.
“This devastating fire has caused significant damage to many communities in Cavite. In partnership with the DSWD’s AKAP program, we are mobilizing a P25-million fund to provide urgent relief and help families get back on their feet,” ayon kay Speaker Romualdez.
Kasabay nito ay naghanda na rin ang Office of the Speaker at Tingog Party-list ng hot meals at relief goods sa mga biktima ng sunog.
Nakikipag-ugnayan na rin ayon sa House leader ang lokal na pamahalaan sa iba pang national agencies partikular na ang National Housing Authority (NHA).
Nagpasalamat naman si Romualdez sa DSWD sa mabilis na aksyon para sa paglalabas ng tulong, at nanawagan rin sa pribadong sektor na makibahagi sa recovery efforts.
“This is a collective effort. While the government is taking urgent steps to provide immediate assistance, we also call on private organizations and concerned individuals to join in helping the people of Cavite recover from this tragedy,” saad niya. | ulat ni Kathleen Forbes