Nakatutok na ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng pananagutan ng mga importer na nasa likod ng mga “nag-overstay” na container vans sa Manila International Container Terminal (MICT)
Ito matapos ibunyag ng Philippine Ports Authority (PPA) ang higit 800 container ng bigas na nasa 20 milyong kilo ang laman ang kasalukuyang nakaimbak sa Manila port.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, handa itong iblacklist ang mga importer na mapapatunayang sinadyang ipitin ang mga imported ng bigas.
Gayuman, kailangang umanong pairalin pa rin ang due process sa usaping ito.
Kasunod nito, umaasa ang kalihim na magsilbi na itong babala sa mga importer na hindi dapat tinatambak sa mga pantalan ang kanilang mga kargamento. | ulat ni Merry Ann Bastasa