As of 5am, nasa ilalim ng Yellow Warning ang lalawigan ng Bataan kung saan pinag-iingat ang mga residente sa banta ng pagbaha.
Mahina hanggang katamtamang ulan naman ang inaasahan sa Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, at Quezon sa susunod na tatlong oras.
Posible ring ulanin ang Zambales, Tarlac, Metro Manila, at Rizal sa mga susunod na oras.
Inaabisuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Offices na i-monitor ang weather condition at abangan ang susunod na iisyung warning mamayang alas-8 ng umaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa