Inaasahang magdudulot ng magkakasunod na Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) rate cut ang aksyon ng US Federal Reserve, matapos nitong bawasan ng 50 basis points (bps) ang kanilang interest rate.
Ang rate cut ng Estados Unidos ay kauna-unahan simula noong 2010.
Ayon kay sa Sumitomo Mitsui Banking Corporation o (SMBC) inaasahan na magbawas ng 50-75 bps ngayong taon.
Inaasahan din ang ang pagsunod ng ibang central bank sa rehiyon kasunod ng additional rate cut.
Ang pagbabawas ng rate cut ng Central Bank ay magdudulot ng pagtaas ng purchasing power ng mga consumer, at magdadala ng mas maraming kita sa mga negosyo.
Maaalalang nitong Agosto, nagbawas ang BSP ng 25 bps, kauna-unahan sa rehiyong Asya na magpatupad ng interest rate bago pa man ang aksyon ng US Federal Reserve. | ulat ni Melany Valdoz Reyes