Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang malaking pagbabawas sa reserve requirement ratios (RRRs) sa mga bangko sa bansa, epektibo sa darating na Oktubre 25, 2024.
Ayon sa BSP, ang mga universal at commercial banks, kasama ang mga non-bank financial institutions, ay makakaranas ng pagbaba ng RRRs sa 250 basis points, na magdadala sa bagong RRR sa 7%. Ang mga digital banks naman ay babawasan ng 200 basis points, sa 4%, habang 1% sa mga thrift banks at 0% sa mga rural banks.
Layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang mga distorsyon sa sistema ng pananalapi at bawasan ang gastos ng intermediation.
Ilan sa mga maaari benepisyo nito ay ang mas malaking kapasidad ng mga bangko na magpahiram ng pera, na makakatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya at mas abot-kayang mga serbisyo sa pananalapi para sa mga mamimili.
Muli namang susuriin ng BSP ang pangangailangan para sa karagdagang pagbabago habang nagiging mas matatag ang paggalaw ng inflation sa bansa. | ulat ni EJ Lazaro