Naniniwala si Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na contributory factor ang ipinatupad na pagbabawas sa tariff rates sa bigas sa magandang estado ng inflation ng bansa.
Ayon kay Recto, kumbinsido siyang malaki ang nagawa at magagawa pa ng naturang hakbang para mapababa pa ang presyo ng bigas sa mga susunod pang buwan.
Ipinaliwanag ni Recto na hindi naman mararamdaman agad-agad ang epekto sa pagbabawas ng taripa sa bigas at bibilang pa muna ng ilang buwan bago ito umepekto.
Tamang-tama lang ani Recto na pagdating ng Pasko ay mas mababa na ang presyo ng bigas na mabibili sa merkado.
Matatandaang naglabas ang Malacañang ng Executive Order kung saan ang taripa sa imported rice ay bababa sa 15% mula sa 35%. | ulat ni Alvin Baltazar