Pagbasa ng sakdal sa hiwalay na kaso ni Pastor Quiboloy sa QC RTC, natapos na; Not guilty plea, inihain ng pastor para sa kasong sexual at child abuse

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng not guilty plea si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy para sa hiwalay niyang kaso sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC).

Ito ay ayon sa pahayag ni Atty. Israelito Torreon na abogado ni Quiboloy.

Isinagawa ang arraignment sa pamamagitan ng video conference sa sala ni Judge Noel Parrel sa QC RTC Branch 106.

Ang kasong ito ay para sa paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Naghain naman ng not guilty plea si Quiboloy sa mga kasong child abuse at sexual abuse.

Kasama niyang binasahan ng sakdal ang kapwa lima pang akusado.

Hindi naman na nagbigay ng ibang detalye si Atty. Torreon dahil sa confidential in nature ang kaso.

Itinakda ang susunod na hearing ng kaso ni Quiboloy sa September 26 at October 2.

Nauna rito ay dumating din kanina si alyas Amanda, na siyang nagsampa ng kasong child abuse at sexual abuse laban kay Pastor Quiboloy. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us