Pagbisita ng Italian Navy Strike Group sa bansa, malugod na tinanggap ng PH Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng Philippine Navy ang delegasyon ng Italian Navy Carrier Strike Group na bumisita sa Phil. Navy Headquarters, kahapon.

Ang Italian delegation na pinangunahan ni Rear Adm. Giancarlo Ciappina, Commander ng Fleet Air Arm ng Italian Navy, ay tinanggap ni Naval Reserve Command Deputy Commander, Commo. Lemuel Espartinez.

Photo courtesy of Philippine Navy

Dumating sa bansa ang Italian Navy Strike group na binubuo ng Italian aircraft carrier ITS Cavour at frigate ITS Alpino noong Setyembre 2, para sa isang goodwill visit.

Layon ng pagbisita na itanghal ang kultura, tradisyon, teknolohiya, at pananaliksik ng Italia, sa pamamagitan ng pagpapalitan ng “best practices” sa Phil. Navy.

Photo courtesy of Philippine Navy

Nagpasalamat si RAdm. Ciappina sa hospitality at pagkakaibigan na ipinagkaloob ng Phil. Navy.

Sinabi naman ni Commo. Espartinez na inaasahan ng Phil. Navy na mapapalawak pa ang kooperasyon ng dalawang hukbong pandagat sa hinaharap. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us