Pagbubukas ng LRT-2, bahagyang naantala ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Alas-6 ngayong umaga inaasahang magbubukas ang lahat ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2.

Batay sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ito ay dahil sa tinamaan ng kidlat ang catenary wire nito sa bahagi ng Gilmore Station kagabi.

Gayunman, sinabi ng LRTA na hindi agad nasimulan kagabi ang repair and maintenance dahil sa sunod-sunod na kidlat.

Pero puspusan na ang kanilang ginagawang pagsasaayos sa naturang problema at inaasahang makapagsisimula na ng operasyon bago mag alas-6 ng umaga.

Alas-5 ng umaga regular na nagsisimula ang operasyon ng LRT-2. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us