PAGCOR, nagpadala ng agarang tulong sa mahigit 5,000 pamilyang apektado ng bagyong Enteng

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuong ng mga tauhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang hagupit ng bagyong Enteng at habagat, para makapagbigay ng agarang tulong sa mga komunidad na apektado ng nasabing sama ng panahon.

Base sa pahayag ng PAGCOR mahigit sa 5,500 pamilya ang nakatanggap ng food at non-food packs sa ginawang relief operations ng PAGCOR nitong September 2 and 3.

Ang nasabing food packs ay naglalaman anila ng rice, canned goods at grocery items habang ang mga non-food pack ay naglalaman ng mosquito nets at toiletries.

Ang nasabing relief items mula sa PAGCOR ay dinala sa mga local government ng San Pedro, Laguna, Bacoor, Cavite gayundin sa mga apektadong pamilya sa San Mateo, Rizal.

Ayon kay PAGCOR Chairperson at CEO Alejandro H. Tengco, muli na namang nasa balag ng alanganin ang buhay ng ilang mga Pilipinong nakatira sa disaster-prone areas.

Kaugnay nito ay binigyang diin naman ng opisyal, na bahagi ng kanilang social responsibility commitment ang makapagbigay ng agarang tulong sa mga biktima ng kalamidad at mapagaan ang kanilang mga pinagdaraanan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us