Pagdinig sa inihaing petisyon ng OSG para ipawalang bisa ang Birth Certificate ni Alice Guo, masisimulan na sa Sep.18

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Solicitor General Menardo Guevarra na sisimulan na ng korte sa Tarlac ang pagtalakay sa inihain nilang petisyon na kanselahin ang Birth Certificate ni Alice Guo.

Ito ang sinabi ni Guevarra sa harap ng House Committee on Appropriations nang mahingan ng update sa mga kaso na inihain laban kay Guo.

Nakatakda aniya ang Summary Hearings para dito sa September 18.

Pagdating naman sa inihaing Quo-Warranto Case, umaasa ang Office of the Solicitor General na matapos muna ng korte ang Petition to Dismiss na inihain ng kampo ni Guo.

Oras na maresolba ito ay maaaring makapagbaba na rin ang korte ng desisyon.

Pagdating naman sa kaso ni Guo tungkol sa Qualified Human Trafficking, inilahad ni Justice Undersecretary Felix Ty na submitted for resolution na noong Martes pa ng nakaraang linggo ang kaso.

Kaya naman umaasa silang sa susunod na linggo ay makapaglalabas na ng desisyon ang korte para dito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us