Paggamit ng C-130 ng militar sa paghahatid kay Pastor Apollo Quiboloy, iba pang akusado, binigyang katuwiran ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagi ng regular na operasyon at kooperasyon ng militar ang paggamit ng C-130 aircraft nito sa paghahatid kina Pastor Apollo Quiboloy gayundin sa apat na kapwa akusado nito.

Iyan ang paliwanag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang tanungin kung utos ba ng Pangulo na dito isakay sina Quiboloy nang ihatid ito patungong Maynila mula Davao City.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, wala silang direktang impormasyong natanggap kaugnay sa paggamit ng naturang asset ng militar hinggil dito.

Gayunman, patuloy na dumidistansya si Padilla hinggil sa iba pang mga detalye ng partisipasyon ng militar sa pagsuko ni Quiboloy dahil ang Philippine National Police (PNP) aniya ang lead agency dito.

Una nang inihayag ni Padilla na suportado ng AFP ang lahat ng mga ginagawang hakbang ng PNP sa naturang kaso at ito’y magpapatuloy hangga’t kailangan ang kanilang tulong. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us