Iginagalang ni Manila Representative Benny Abante, Co-Chair ng Quad Committee ang hakbang ng kampo ni Cassandra Ong na maghain ng Petition for Certiorari sa Korte Suprema.
Ito ay para igiit ang kaniyang right to remain silent sa ginagawang pag-iimbestiga ng Quand Committee ukol sa operasyon ng iligal na POGO sa bansa.
Gayunman, ayon kay Abante sa ginawang aksyon na ito ni Ong, mas pinili aniya niya na tulungan na pagtakpan ang mga lumabag sa batas kaysa puksain ang kasamaang dala ng POGO.
Sinabi pa ng mambabatas na sa kaniyang pananahimik ay maituturing siyang accomplice.
“Ms. Ong has every right to explore every recourse available to her under the law. However, she has a choice; she can either choose to assist lawmakers or choose to cover up for lawbreakers. It is unfortunate that she has chosen to hide behind the veil of silence rather than help Congress in its efforts to address the evils brought about by POGOs. Her silence makes her an accomplice, and if Ms. Ong chooses this path, she will be treated as such,” Ani Abante.
Si Ong ay isa sa incorporator ng Whirlwind Corporation at kinatawan ng Lucky South 99 na mga iligal na POGO na naipasara na. | ulat ni Kathleen Jean Forbes