Pinangunahan ng ilang opisyal ng pamahalaan ang paggunita sa ika-20 Peace Consciousness Month ngayong Setyembre.
Kasabay nito ang simbolikong pagpapatunog sa makasaysayang “Peace Bell” sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
Sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez, Jr. na espesyal ang buwan ng Setyembre sa Pilipino.
Dito, nagsasama-sama ang iba’t ibang sektor para sa celebration, reflection, at promotion ng culture of peace alinsunod sa Presidential Proclamation No. 675.
Giit ni Galvez na dapat aniyang tandaan na ang “Peace Consciousness Month” ay hindi lamang simpleng okasyon kungdi pagkilos para patuloy na itulak ang magkakasamang layuning na makiisa ang lahat para sa kapayapaan sa bansa.
Bukod sa Peace, Reconciliation and Unity, dinaluhan ang pagdiriwang ng ilang opisyal mula sa World Peace Bell Association na nag-donate sa bansa ng peace bell noong 1994.
Dumalo rin ang ilang kinatawan ng Japanese Embassy. | ulat ni Rey Ferrer