Ipinagpapasalamat ni Senate President Chiz Eescudero na dininig ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy ang panawagan ng ilan na sumuko na siya.
Ito ay para na rin aniya matigil na ang kaguluhan sa KOJC at ang hirap ng mga pulis na hanapin siya.
Sa ngayon, ayon kay Escudero, hindi na niya iniisip kung sumuko o naaresto si Quiboloy.
Giniit ng senate president, na ang mahalaga ngayon ay nasa kustodiya na ng ating mga otoridad ang KOJC leader.
Ngayon aniya ay may pagkakataon na ito para harapin ang mga kasong inihain laban sa kanya.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Escudero na pa silang plano sakaling ipatawag muli sa senado si Quiboloy.
Matatandaang may standing warrant of arrest rin ang Senate Committee on Women na nagsasagawa ng pagdinig tungkol sa sinasabing pang aabuso ni Quiboloy sa mga KOJC member. | ulat ni Nimfa Asuncion