Pormal nang umupo bilang bagong pinuno ng Criminal Investigation and Investigation Group (CIDG) si Police Brig. Gen. Nicolas Torre III.
Pinalitan ni Torre si Police Maj. Gen. Leo Francisco na inilipat naman sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa ilalim ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ng Philippine National Police (PNP).
Sa kaniyang mensahe, kinilala ni Torre ang mga naging tagumpay ng CIDG sa ilalim ng pamumuno ni Francisco partikular na ang paglansag sa operasyon ng iligal na POGO sa Porac, Pampanga.
Kumpiyansa naman si Torre sa gagampanang tungkulin lalo’t hindi na ito bago sa kaniya bilang nagsilbi na siya bilang Deputy Director for Operations ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa isang hiwalay na panayam naman kay Torre, iginiit nito na handa niyang tugisin ang iba pang wanted at high profile na mga personalidad “kahit magtago pa sila sa lupa.”
Bago maupo sa CIDG, pinangunahan ni Torre ang pagtugis sa kontrobersyal na si Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa mga kasong Human Trafficking at Child Abuse bilang pinuno ng Police Regional Office 11 o Davao Regional PNP. | ulat ni Jaymark Dagala