Muling ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas ang reorganisaston ng water management sa bansa, sa pamamagitan ng pagbuo sa Department of Water Resources.
Sa ikaanim na LEDAC meeting sa Malacañang (September 25), binigyang diin ng Pangulo ang pagbuo sa departamento, lalo na sa gitna ng epektong iniiwan ng Climate Change sa bansa.
Dahilan aniya kung bakit kailangang ituon ang tutok ng pamahalaan sa tubig.
“It’s a department because we are going to reorganize everything. But the original idea was that we will reorganize the entire water management process in the Philippines. But because of the exigencies of climate change, we really have to direct our efforts, our attention to [water].”— Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Marcos, sa ilalim ng adjusted priorities sa water resources, mas mainam kung iatas ang flood control job, direkta sa water resource body, kung saan ang National Irrigation Authority (NIA) ang isa sa coordinating agencies.
Sabi ni Pangulong Marcos, ang Palasyo maglalabas ng executive version ng panukala, na magagamit ng mga mambabatas para sa debates sa Senado.
“The mayor of a municipality will only think about what’s happening in their municipality. But water just not work that way. Hindi nangingilala ng boundary ang tubig, kung saan-saan. Basta kung saan ‘yung puwedeng daanan, dumadaan doon…That’s why there has to be an overall plan. So, I really think that the we have to include all of those agencies,” -Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan