Inihayag ni Pangulong Ferdinand R . Marcos Jr. na sisikapin nilang makapagpalabas ng maagang bulletin partikular sa kung may pasok ba o wala sa trabaho at mga paaralan bukas.
Sa media interview, inihayag ng Pangulo na kung maaari ay magkaroon na ng abiso ang mga kinauukulan bago pa man makatulog mamayang gabi ang mga manggagawa at mga mag- aaral nang sa gayon ay maaga silang makapag-adjust.
Sinabi ng Pangulo na bagamat may sariling pagpapasiya ang mga nasa LGU sa pagdedeklara ng suspensyon, iba naman aniya ang sitwasyon kung pag-uusapan ay ‘regionwide assessment’ na hindi pwedeng pumasok.
Dagdag ng Pangulo na sa hanay ng mga manggagawa, sinabi ng Pangulo na malaking konsiderasyon dito ang hindi lang
makapasok kundi makauwi rin naman sa kani-kanilang tahanan. | ulat ni Alvin Baltazar