Paglikha ng conciliation committees upang resolbahin ang homeowners’ association-related disputes, ipinanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanukala ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang mekanismo ng pagbuo ng conciliation committee sa loob ng homeowners’ association, upang mas gawing madali ang pagresolba ng dispute sa mga miyembro nito.

Ang House Bill 10908 ay makakatulong upang mabawasan na ang backlog ng mga kaso at reklamo sa korte na patungkol sa HOA related disputes, dahil sa loob pa lang ng asosasyon ay maaari na itong maresolba agad.

Ayon kay Yamsuan, maeengganyo ang HOA members sa isang diyalogo kung may komite na magangasiwa nito.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang komite ay binubuo ng tatlong miyembro na siyang  pipiliin ng board of directors o trustees ng asosasyon.

Diin ng mambabatas, ang kanyang proposed legislation ay magbibigay buhay sa Republic Act 9904 o ang Magna Cara for homeowners Association. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us