Paglilinis sa mga kalat na basura sa mga kalsada, sinimulan na ng Malabon LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na ang paglilinis sa mga basurang iniwan ng bagyong Enteng at Habagat sa mga kalsada at daluyan ng tubig sa Lungsod ng Malabon.

Sinasamantala ang paglilinis, sa gitna ng pabugso-bugsong buhos ng pag-ulan.

Partikular na tinatanggal ang mga basurang bumara sa mga drainage system at mga hadlang sa kalsada.

Tinitiyak din ng local government, na gumagana pa ng maayos ang mga pumping station sa anim na lugar sa lungsod.

Malaki ang naitutulong ng mga ito at naagapan ang mabilis na pagtaas ng tubig baha sa low lying areas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us