Iginiit ng House Quad Committee na ligal ang kanilang desisyon na ilipat si Cassandra Ong sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Sa isang pahayag, sinabi nina Quad Committee Chairs Ace Barbers, Bienvenido Abante Jr., Joseph Stephen “Caraps” Paduano, Dan Fernandez, at Romeo Acop na dumaan sa due process at ligal na proseso ang paglipat kay Ong na iniuugnay sa iligal na operasyon ng POGO.
Anila, walang nilabag na batas ang Quad Committee sa pag-utos na ilipat si Ong sa Correctional.
Lahat din anila ng aksyon ng committee ay naaayon sa kanilang Rules of Procedure at sa batas.
“We want to make it clear: Ms. Ong’s transfer to the Correctional Institute for Women is legal. The QuadCom has followed all necessary protocols, and the decision is rooted in the rule of law,” pahayag ng mga lider ng Quad Committee.
Wala rin umanong basehan at haka-haka lamang ang alegasyon na sapilitan ang naging desisyon na ilipat si Ong.
Nilinaw din nila na ang legislative inquiries ay para sa paghahanap ng katotohanan at hustisya at hindi para manipulahin ng kalalabasan ng pagsisiyasat.
Bago rin umano inilipat si Ong ay tiniyak naman na nasa maayos itong kalusugan at ligtas sa paglilipatan sa kanya.
“Ms. Ong’s well-being is a priority. The authorities have ensured that her transfer was conducted safely and with respect for her rights,” sabi pa nila.
Pagsisiguro pa ng Quad Committee na mananatili ang paggalang sa karapatan ng mga indibidwal na nakasaad sa domestic at international laws.
“We are carefully looking into all concerns regarding international conventions. We assure the public that we remain committed to respecting the rights of individuals, and ensuring that all actions taken are in compliance with both domestic and international laws,” anila. | ulat ni Kathleen Jean Forbes