Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao Damat Binga Dam sa Benguet.
Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division ngayong hapon, bumaba na sa 748.50 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao mula sa 752 meters na normal water elevation nito.
Habang bumaba naman sa 571.10 meters ang lebel ng tubig sa Binga na mas mababa sa normal level nito na 575 meters.
Sa ngayon, bukod tanging ang Ipo Dam sa Norzagaray Bulacan ang patuloy pang nagpapakawala ng tubig.
Isang gate ang binuksan at may gate opening na 0.15 meters ang taas.| ulat ni Rey Ferrer