Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam sa Norzagaray Bulacan.
Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, naibaba na ang lebel ng tubig ngayong araw sa 100.35 meters na mas mababa na sa 100.10 meters normal na lebel nito.
Patuloy naman ang pagbabawas ng tubig sa Ambuklao, Binga at Magat Dam sa Luzon.
Nasa 751.51 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao sa ngayon at may pagitan na 0.49 meters bago maabot ang normal high-water level.
Habang ang water level naman ng Binga ay nasa 573.91 meters at Magat Dam na 186.12 meters. | ulat ni Rey Ferrer