Pagpapalawak ng bakunahan kontra ASF, target ng DA na masimulan sa Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tina-target ng Department of Agriculture (DA) na masimulan sa buwan ng Oktubre ang pagpapalawak ng bakunahan kontra African Swine Fever (ASF) sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., batay sa kanilang timelime ay maaaring makumpleto ang proseso ng procurement para sa 150,000 doses sa October 10.

Oras na maisapinal ang kontrata rito, mabilis din aniyang maide-deliver ng supplier ang mga bakuna.

Kabilang sa target areas para sa pinalawak na vaccination ang iba pang lalawigang may aktibong kaso ng ASF gaya ng La Union, Quezon, Mindoro, Cebu, North Cotabato, at Sultan Kudarat.

Kaugnay nito, tiniyak rin ng Agri chief na tuloy-tuloy ang ginagawang hakbang ng kagawaran para mapabilis ang proseso ng aplikasyon sa iba pang mga ASF vaccines mula sa United States, South Korea, Thailand, Norway, at Vietnam.

Sa ngayon ay may mga kinukonsulta na aniya silang mga eksperto para mapabilis ang proseso ng trials sa bakuna. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us