Welcome kay Senador Joel Villanueva ang desisyon na i-delay na ang pagpapataw ng multa sa mga motorista na walang RFID.
Ayon kay Villanueva, personal niyang naranasan ang abalang idinudulot ng palyadong RFID readers.
Matagal na aniya itong reklamo na hindi pa rin natutugunan ng mga operator.
Kaya naman, sinabi ng senador na bago magpataw ng multa, dapat munang tingnang maigi ng mga otoridad ang realidad sa ground at maghanap ng paraan para maisaayos ang serbisyo sa mga tollway.
Tanong rin ngayon ng mambabatas, ano ang maaaring ipataw na parusa o multa sa mga operator at toll regulator para sa palpak na RFID sensor at tollgate.
Dinagdag rin ni Villanueva na kailangan rin munang paigitingin pa ang kampanya para mas mapadali ang pagkuha ng mga RFID stickers.| ulat n Nimfa Asuncion