Natapos na ng Maynilad Water Services, Inc. ang pagpapalit ng mga lumang tubo ng tubig sa bahagi ng Tondo at Sta Cruz Maynila.
Ayon kay Maynilad Chief Operating Officer Randolph Estrellado, ang proyekto ay magbibigay daan na maisaayos ang water pressure at magkaroon ng sapat na suplay ng tubig para sa tumataas na demand sa suplay.
Kasama sa proyekto ang pag upgrade sa pipe system kasama ang paglalatag ng 1.7 kilometrong primary, secondary at tertiary pipelines sa 21 barangay sa Maynila.
Dahil sa proyektong ito, naka-recover ang Maynilad ng 4 million liters per day (MLD) ng treated water na dati ay nasasayang lamang dahil sa pipe leaks at illegal connections.
Ang proyekto ng Maynilad ay pinondohan ng kabuuang P380 milyon. | ulat ni Rey Ferrer