Sinang-ayunan ni Navotas Representative Toby Tiangco ang bagong guidelines na inilabas ng Department of Education (DepEd) para sa flexible teaching time sa ilalim ng MATATAG Basic Education Curriculum.
Aniya, sa paraang ito ay matitiyak ang kapakanan ng mga guro gayundin ang learning competencies ng mga mag-aaral sa public schools.
“I welcome the sustained efforts of the Department of Education to improve teacher welfare in the country, as directed by President Bongbong Marcos. Allowing flexibilities in teaching schedule will enable our teaching personnel the latitude in class preparation and instruction and will provide them options to adopt class schedules that are more responsive to the needs of our students,” sabi ni Tiangco.
Batay sa kautusan ng DepEd, simula sa second quarter ng school year ay maaari na itong ipatupad sa kanilang class schedule para sa Grades 3 hanggang 10.
Kasabay nito, pinaghahanda rin ni Tiangco ang kagawaran para sa monitoring at evaluation ng epekto ng flexible modalities sa magiging performance naman ng estudyante.
Mahalaga aniya na masusing bantayan ang resulta ng mga reporma dahil kung makikita na hindi ito nakatutulong, mas mabilis ding makagagawa ng pagbabago sa mga inisyatibo para sa edukasyon.
“It’s imperative for DepEd to be ready with an evaluation mechanism that will tell us if the reforms being introduced are meeting its goals. We have no time to lose when it comes to drastically improving the state of Philippine education,” dagdag niya.
Pinuri ni Tiangco ang pagsisikap ng DepEd na pahintulutan ang online distance learning sa kanilang teaching modalities dahil pinapalawak nito ang access sa quality instruction.
“We must leverage technology to address the diverse challenges facing our education sector. By embracing flexible delivery modalities, we can ensure broader access to quality instruction, especially in areas where in-person teaching may be difficult or impractical,” dagdag niya.
Hinikayat naman ng mambabatas ang Education Department na magpatupad ng iba pang inobasyon para sa teaching delivery, curriculum development, at learning materials development.
“We have to recognize that children today consume information differently. If we take these realities into consideration, coupled with strong programs for our curriculum delivery and teacher development, we can breach the gap between instruction and learning,” wika pa ni Tiangco. | ulat ni Kathleen Jean Forbes