Welcome kay Finance Secretary Ralph Recto ang pagratipika ng Senado sa paglahok ng Pilipinas sa Convention on Mutual Administrative Assistance in Tax Matters (MAAC).
Layon ng Senate Resolution no. 139 na mabawasan ang tax evasion.
Natutuwa si Recto na magkakaroon na ng puwersa ang MAAC sa PIlipinas para mapondohan ang lumalaking pangangailangan ng sambayanan at kakayahang kumita.
Ang MACC ay maituturing na pinaka-komprehensibong multilateral instrument na available para sa lahat ng administrative cooperation sa pagitan ng mga signatories sa assessment at koleksyon ng mga buwis.
Ito ay sama-samang binuo ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) at ng Council of Europe noong 1988 at binago ang protocol noong 2010 na nilagdaan ng 147 na mga bansa at pinagtibay ng mahigit 100 na bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes