Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag-kainan ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day.
Sa mensahe ni Education Secretary Sonny Angara sa flag ceremony sa DepEd Central Office, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng sabay-sabay na pagkain ng pamilya.
Ayon kay Angara, batay sa mga pag-aaral, ang mga mag-aaral na nakikilahok sa mga aktibidad ng pamilya at nakakapagkuwento tungkol sa kanilang araw sa paaralan ay mas malamang na magtagumpay sa kanilang pag-aaral.
Nauna rito ay sinuspinde na ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan simula alas-tres ng hapon upang mabigyan ang mga kawani ng pamahalaan ng pagkakataon na ipagdiwang ang 32nd National Family Week.
Ang September 23 ay itinakda bilang “Kainang Pamilya Mahalaga Day” alinsunod sa Proclamation No. 60 na inilabas noong 1992 sa ilalim ni dating Pangulong Fidel Ramos. | ulat ni Diane Lear