Binigyang babala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tumulong kay Alice Guo na makatakas sa bansa na kahaharapin ng mga ito ang mga parusa kabilang ang pagsasampa ng mga kaso laban sa kanila.
Pagkatapos ng situation briefing kaugnay ng Bagyong Enteng at epekto ng Habagat sa bansa, binigyang-diin ng Pangulo na ang ginawa ng mga tumulong kay Guo ay labag sa batas at interes ng judicial system ng Pilipinas.
Sinabi rin ng Pangulong Marcos sa pagkadakip kay Guo ay sinusunod lamang ng mga awtoridad sa Indonesia ang mga legal na utos ng korte para ibalik si Guo sa Pilipinas at hindi na kailangan ng anumang marching orders.
Dagdag pa ng Chief Executive ay kanila nang inaayos ngayong araw ang mga hakbang at mga dokumento para sa inaasahang pagbabalik ng dating Mayor ng Bamban. | ulat ni EJ Lazaro