Ibinida ni Department of Finance Secretary Ralph Recto ang tumataas na employment rate ng bansa, na nilagpasan na ang antas bago ang pandemya, ay maiuugnay umano sa bumabagal na inflation rate.
Inaasahan din, ayon sa DOF Chief, na dahil dito at sa pagtulak ng mas mataas na discretionary spending mas inaasahan din na tataas pa ang bilang ng mga trabaho partikular na sa wholesale at retail trade sectors.
Noong Hulyo 2024, nakapagdagdag ang mga sektor na ito ng nasa 1.07 milyong trabaho, na sinusundan ng agriculture and forestry na nagbigay ng 936,000 na bagong trabaho.
Bumaba rin ang unemployment rate sa 4.7%, habang ang underemployment ay bumagsak sa 12.1%, na mas mababa kumpara sa panahon bago ang pandemya.
Samantala, ayon din kay Recto, ang patuloy na pagbaba ng inflation ay magbibigay ng mas malakas na spending power sa mga Pilipino na magdudulot sa pagpapalakas ng mga negosyo. | ulat ni EJ Lazaro