Sa harap ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan upang tugunan ang problema sa baha.
Tinukoy ng pamahalaan ang ilang hakbang upang mabawasan ang idinudulot na epekto ng mga pagbaha partikular na sa Metro Manila at iba pang flood-prone areas.
Sa Private Sector Advisory Council-Infrastructure and Digital Infrastructure Sector Groups, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang paraan ang pagtatayo ng mas matataas na flood walls upang maibsan ang kalbaryong dinaranas sa pagbaha.
Dagdag ng Pangulo na dapat ding magkaroon ng agresibong pagpapatupad ng reforestation program at tugunan ang problema sa basura.
Isang paraan kaugnay nito sabi ng Presidente ay gawin ang implementasyon ng waste-to-energy initiatives.
Kaugnay nito ay inihayag ng Presidente na bumaba na din ang kapasidad ng flood control system dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon sa bansa.
Ang lahat aniya ng basura ay napupunta sa mga daluyan ng tubig, na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga pumping station habang maging ang mga watershed areas ay apektado na din dahil sa iresponsableng pagtatapon ng basura. | ulat ni Alvin Baltazar