Pagtitiyak ng seguridad sa paligid ng Senado, itinalaga na sa Philippine Marines

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula ngayong araw, mga sundalo na ang itinalagang magbantay sa paligid ng Senado.

Ayon kay Senate Sargeant-at-arms retired General Roberto Ancan, nasa direktiba ni Senate President Chiz Escudero na hilinging ibalik ang marines sa pagse-secure ng senado.

Kaya naman nakipag ugnayan siya sa Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines, at sa Philippine Marines kaugnay nito.

Bunga nito, mula ngayong araw, naka-deploy na ang mga tauhan ng Philippine Marines Security and Escort Group (MSEG) sa lobby, security outposts, parking area at buong compound ng senado.

Pinalitan nila ang security unit ng Philippine National Police na matatalaga hanggang sa labas na lang ng senate compound.

Samantalang ang mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant at Arms ang magse-secure sa loob ng senado.

Nilinaw naman ni Ancan, na walang banta sa senado kaya pinabalik ang Philippine Marines. | ualt ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us