Tinapos na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang 12-araw na leptospirosis operations sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at San Lazaro Hospital.
Nagpadala ng medical teams ang Red Cross sa dalawang ospital ng biglang tumaas ang kaso ng leptospirosis.
Nangyari mula nang manalasa si Super Bagyong #CarinaPH at maraming lugar ang binaha hindi lamang sa lungsod Quezon.
Ang medical team ang tumulong sa mga staff ng ospital para mabilis na maasistihan ang mga pasyente.
Ayon kay PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang, 77 pasyente ang naasistihan ng medical teams sa NKTI habang 98 pasyente naman sa San Lazaro Hospital.| ulat ni Rey Ferrer