Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtutulungan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa pagsusulong ng mga prayoridad na panukala ng administrasyon, na layong iangat pa ang buhay ng mga Pilipino.
Kasunod ng ikaanim na Legislative Executive Development Advisory Council’s (LEDAC) meeting sa Malacañang (September 25), sinabi ng pangulo na ang 19th Congress, nagpapamalas ng pagkakaisa upang umusad ang mga mahahalangang panukala na pamahalaan.
Dahil dito, inaasahan na ni Pangulong Marcos ang patuloy na suporta ng Senado at Kamara, para sa on time na pag-pasa ng 2025 National Budget, alinsunod sa Agenda for Prosperty ng gobyerno.
“I commend both houses of the 19th Congress for their display of unity in collaborating and pushing our key priority bills forward. I am counting on your continued support in passing the 2025 National Budget with our Agenda for Prosperity in mind, before Christmas.” —Pangulong Marcos.
Ang national budget na ito, ayon sa Pangulo, ay magpopondo sa mga mahahalagang proyekto na magpapaigting sa buhay ng mga Pilipino.
“I am counting on your continued support in passing the 2025 National Budget with our 𝗔𝗴𝗲𝗻𝗱𝗮 𝗳𝗼𝗿 𝗣𝗿𝗼𝘀𝗽𝗲𝗿𝗶𝘁𝘆 in mind, before Christmas. This will fund crucial projects that will uplift the lives of all Filipinos. 𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨!” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan