Minungkahi ni Senate Majority leader Francis Tolentino sa Land Transportation Office (LTO) na gamitin ang December 31 ‘grace period’ na maipagpatuloy ang paggamit ng mga temporary license plates para mapabilis ang produksyon ng mga opisyal sa mga plaka.
Ayon kay Tolentino, dapat gamitin ng ahensya ang panahong ito para rebyuhin ang kanilang mga polisiya at para masolusyunan ang backlog ng mga plaka.
Nakiusap rin ang senador sa LTO na huwag nang maglabas ng mga dagdag na prohibisyon sa mga motorcycle rider habang hinihintay pa ang pagsasabatas ng Senate bill 2555 o ang panukalang amyenda sa ‘doble plaka’ law.
Sa ilalim ng naturang panukala ay layon nang alisin ang doble plaka requirement sa mga motorsiklo.
Sa ngayon ay aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang ito habang sa parte ng kamara ay aprubado na ito sa committee level at nakatakda nang isalang sa deliberasyon sa plenaryo ng mababang kapulungan.| ulat ni Nimfa Asuncion