Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa pinakahuling galaw ng bagyong Julian lalo’t base sa forecast ng PAGASA, posibleng umabot sa super typhoon ang lakas nito.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayon pa lamang inihahanda na nila ang mga kakailanganin ng mga dadanaan ng bagyo.
“We’re still having to wait for the water to come down and to do everything for the water to come down. Pero hindi pa ito… Mag-intensify pa ito. So we have to watch,” —Pangulong Marcos.
Sa oras na humupa na ang tubig baha, agad aniyang kikilos ang pamahalaan upang ibigay ang pangangailangan ng mga maaapektuhan ng bagyo.
“I was supposed to go to Ilocos yesterday (Sunday) pero wala na. Iyong weather, sumama na nang husto bagsak ng ulan. So, we ‘re just watching it and seeing what will be needed pagkatapos, pagdaan ng bagyo,” —Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, una nang pinayuhan ng Pangulo ang publiko partikular ang mga residenteng dadaanan ng bagyo, na mag-ingat at manatiling handa.
“Mag-ingat po tayong lahat.Atin pong ipatuloy ang binabantayang bagong bagyong julian at handang magbigay ng tulong ang pamahalaan sa ating mga kababayang nangangailangan.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan