Ipagpapatuloy ng Pasig City Government ang distribusyon ng financial assistance sa mga sinalanta ng Habagat at ng bagyong Carina noong Hulyo.
Sa abiso ng lokal na pamahalaan, isasagawa ang pamamahagi ng unclaimed financal assistance sa Lunes hanggang Biyernes.
Kabilang sa mabibigyan ang mga nasa Batch 1 na hindi nakakuha noong Hulyo 31 hanggang Agosto 2.
Kasama na dito ang mga pamilya na nasa Batch 2 at wala sa masterlist noong mamahagi ng tulong pinansyal.
Lahat silang lumikas sa evacuation center at nabigyan ng Disaster Assistance Family Access Card ay makakatanggap ng Php 5,000 cash aid.
Makakatanggap din ng tig Php 2,000 ang mga nasa Batch 3, na hindi lumikas pero apektado din ng kalamidad.
Ang pamamahagi ng financial assistance ay bahagi ng recovery ang rehabilitation efforts ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Pinapayuhan ang mga residente na dalhin lamang ang mga kinakailang requirements para ma claim ang kanilang ayuda.| ulat ni Rey Ferrer