Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno na magtulungan, upang palakasin abg immunization program ng bansa, upang ma-protektahan ang mga bata laban sa iba’t ibang sakit, na maaari namang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
“Iri-restore natin iyong dati nating immunization rate at i-strengthen natin ang National Immunization Program. At ito ay gagawin natin starting October.” —Sec Herbosa.
Sa sectoral meeting sa Malacañang (September 17), inilatag ni Health Secretary Ted Herbosa sa pangulo ang catch up plan ng pamahalaan, para sa national immunization program.
“Ito iyong ating programa, inimbitahan ko si Presidente to help us and lead us in the Bakuna-Eskwela. It is a libreng bakuna para sa grade 1 at grade 7. Bibigyan sila ng measles at Rubella vaccine, at tetanus and diphtheria. So makukuha na rin namin pati iyong zero dose children. Tapos iyong grade 4 na babae, na batang babae, nine years old ito, mabibigyan sila ng human papillomavirus vaccine or iyong anti-cervical cancer vaccine.” —Sec Herbosa.
Kailangan aniyang mapalawak ang medica coverage at publicity, upang maipabatid sa bawat pamilya, mga magulang, at komunidad ang kahalagahan ng bakuna.
“May kick-off kami ‘no, mangyayari ito sa October 7 sa Dr. Alejandro Albert Elementary School at nationwide po ito. We will do the launch on October 7, pero every Friday for the month of October, puwedeng magpabakuna ang mga batang gustong magpabakuna sa lahat ng eskuwelahan ng DepEd. Kasama ko po dito si Secretary Sonny Angara sa pag-launch nito at pag-implementa ng programa ng school-based immunization.” —Sec Herbosa.
Kaugnay nito, magtutulungan ang DOH at Presidential Communications Office (PCO) para sa pag pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa bakuna, na mayroong temang Every Filipino Deserves a Shot at Life-long Protection.
“Kailangan talagang massive, he was asking for a massive campaign. So I do hope matulungan ninyo ang Department of Health in that aspect. And really educating… So we hope that with valid information—and then, ang sabi ko sa kaniya, sa radyo po talaga ang pinakikinggan; he agreed kasi iyong radyo naka-on lang daw the whole day, talagang iyon ang nadidinig ng nanay. Eh iyong nanay iyong nagdadala ng bata sa bakunahan. So it’s very important na ma-reach natin sila, ang importance ng pagbabakuna.” —Sec Herbosa.| ulat ni Racquel Bayan