Ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang makita ang mga nakakalbong bundok, sa isinagawang aerial inspection sa Marikina at Antipolo ngayong hapon (September 4).
Sa gitna pa rin ito ng mga pag-ulan, pagbaha, at pag-guho ng lupa bunsod ng bagyong Enteng.
Sabi ng Pangulo, lahat na lamang ng kaniyang puntahan matapos ang pagdaan ng bagyo ay kakikitaan ng gumuhong lupa.
Dahil dito, ipinunto ng Pangulo ang pangangailangan na magpatupad ng mas mahigpit na patakaran laban sa mga iligal na aktibidad sa mga kabundukuan, tulad ng illegal logging.
“We have to be much stricter about it. We cannot allow… Now, it’s not a question of illegal activities. It’s life and death already.” —Pangulong Marcos.
Dagdag pa ng Pangulo, dapat na ring mas isulong pa ang mga aktibidad para naman sa reforestation. | ulat ni Racquel Bayan