Pangulong Marcos Jr., pinabulaanan ang ‘fake news’ na kumakalat ukol sa kanyang kalusugan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanyang kalusugan at mariing sinabi na ito ay isang uri ng “fake news.”

Ipinunto ng Pangulo, na wala siyang ano mang senyales ng sakit at hinikayat ang publiko na maging maingat sa ganitong mga uri ng impormasyon, maliban na lang kung ito ay galing sa mapagkakatiwalaang mga source.

Ikinagulat din umano ng Pangulo ang mga bali-balita, at binanggit na nagkaroon siya ng produktibong araw nitong mga nakaraan na kinabibilangan ng mga pulong at isang command conference, gayundin ang paggugol sa pagbabasa nito ng briefings at pagsasagawa ng paperworks.

Tiniyak ng Pangulo sa publiko, na nasa mabuti siyang kalusugan, walang sipon, at walang ano mang problema sa kanya habang nagpapasalamat naman ito sa kanilang pag-aalala. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us