Mayroon nang mga pangalan na pinagpipilian si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay sa papapalit kay DILG Secretary Benhur Abalos, sa oras na opisyal na itong bumaba sa pwesto.
Kung matatandaan, kasama sa senatorial line up ng Alyanda ang kalihim, para sa 2025 midterm elections.
Sa ambush interview sa pangulo, tumanggi muna itong pangalanan ang susunod na kalihim.
Gayunpaman, sinabi ng pangulo na mayroon na itong dalawang pangalan na pinagpipiliin mula sa short list.
Saka na raw ito ia-anunsyo, sa oras na pormal nang mag hain ng COC ang kalihim, upang hindi naman raw maramdaman ni Abalos na ipinutulak na siya paalis ng administrasyon, lalo’t maganda ang trabahong ipinamalas nito sa DILG.
“It’s still premature. Pabayaan muna natin si Secretary Abalos. I don’t want him to feel that we’re already pushing him out, considering, especially, that he has done such a good job as DILG.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan