Hindi nagtungo sa Singapore si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Tugon ito ni Communications Acting Secretary Cesar Chavez nang tanungin kung nasa Singapore ba ang Pangulo, upang manood ng F1 race.
“He did not go to Singapore.” —PCO Acting Sec. Chavez.
Ayon sa kalihim, nasa bahay lamang ang Pangulo, kasama ang kaniyang pamilya.
Nitong weekend, naging abala rin aniya si Pangulong Marcos sa pag-shoot ng lingguhang vlog, at pag-aaral at paglagda ng ilang dokuMento.
“Home with family, shoot the weekly vlog, review and signed some documents.” — PCO Acting Sec. Chavez.
Bukas (September 23), kaliwa’t kanang aktibidad ang nakalinya para sa Pangulo, kabilang na ang opisyal na pagtanggap sa mga ambahador ng iba’t ibang bansa na naitalaga sa Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan