Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang aerial inspection ngayong tanghali (September 4) sa himpapawid ng Marikina at Antipolo, upang personal na makita ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Enteng sa Metro Manila at mga kalapit na lugar dito.
Kung matatandaan sa situation brieing sa NDRRMC kanina, unan nang sinabi ng pangulo, na nooong nakalipas na dalawnag araw pa niya sana nais gawin ito, ngunit hindi pinahihintulutan ng panahon.
Sabi ng pangulo, sa ginagawa niyang pagiikot, na-validate lamang ang mga ulat na una na niyang natanggap, mula sa ibant ibang tanggapan ng pamahalaan.
Maging iyong datos, na pinagkukumpara ang bagyong Carina at Enteng.
Habang ikinalungkot rin ng pangulo nang makita ang mga kalbong bahagi ng mga kabundukan. kaya’t mas dapat aniyang maging mas mahigpt ang pamahalaan sa usapin ng illegal logging at pagsuuslong ng reforestation.
Samantala, hindi na natuloy ang pagtutungo pa sana sa Bulacan ng pangulo, dahil patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. | ulat ni Racquel Bayan