Ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero na nakatakda nang mapirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos sa Huwebes, September 26, ang panukalang anti agricultural economic sabotage bill.
Ayon kay Escudero, malalabanan ng bagong magiging batas na ito ang smuggling, profiteering at hoarding ng mga produktong pang-agrikultura.
Bilang resulta, inaasahang magiging abot kaya na para sa lahat ang presyo ng mga pagkain at makapagbibigay mas malaking kita para sa mga lokal na magsasaka sa bansa.
Sa ilalim ng naturang panukala, ang agricultural smuggliung, hoarding, profiteering, cartel at financing ng mga krimen na ito ay ituturing na economic sabotage.
Kaya naman mapapatawan na ang mga mapapatunayang guilty nito ng life imprisonment at multang tatlong beses ang halaga ng agricultural at fishery products na masasabat mula sa mga suspect.
Para naman sa mga mahuhuling nagbabyahe at nag-iimbak ng mga smuggled goods, papatawan ito ng parusang 20 to 30 years na pagkakakulong at multang doble ng halaga ng smuggled products na masasawata.
Imamandato rin ng panukala ang pagtatatag ng anti-agricultural economic sabotage council. | ulat ni Nimfa Asuncion