Panukalang batas para sa POGO ban, gagawing prayoridad ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipaprayoridad ng Senado ang panukalang batas na layong ganap nang ipagbawal sa bansa ang mga Philippine offshore Gaming Operator (POGO) at ang pagpapawalang bisa sa batas na bumuo ng tax regime para sa naturang industriya.

Sa period of ammendments ng CREATE MORE Bill, iminungkahi ni Senador Risa Hontiveros na maisama sa probisyon ng panukala ang POGO ban.

Sa halip na tanggapin ang mungkahing ito, sinabi ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na isusulong niya ang isang hiwalay na panukalang batas para sa POGO ban at repeal sa Republic Act 11590 o ang batas na nagpapataw ng buwis sa mga POGO.

Ayon kay Gatchalian, kinonsulta niya si Senate President Chiz Escudero tungkol dito at ipinangako ng Senate leader na ipaprayoridad ito ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa oras na makarating na ang panukala sa plenaryo.

Bagay na kinumpirma naman ni Senate President Escudero.

Target ng Ways and Means Committee ni Gatchalian na makapagpaikot na ng committee report tungkol sa POGO ban bill sa susunod na dalawang linggo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us