Panukalang gawing 6 na taon ang termino ng mga opisyal ng barangay, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naiprisinta na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong gawing anim na taon ang panunungkulan ng mga halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

Sa ilalim ng Senate bill 2816, gagawing anim na taon ang panunungkulan ng mga barangay at SK officials, at hanggang dalawang termino ang pwede nilang pagsilbihan.

Aamyendahan nito ang kasalukuyang batas na nagtatakda na hanggang taon lang ang panunungkulan ng mga opisyal ng barangay at SK, at hanggang tatlong magkakasunod na termino ang pwede nilang hawakan.

Itinatakda rin ng batas, na ang magiging susunod na eleksyon sa bansa ay gaganapin sa ikalawang Lunes ng May 2029.

Ito ay para mabuo ng mga barangay official ang anim na taong termino mula nang mahalal noong 2023.

Sa naging talakayan sa committee level, pinunto ng mga senador na masyadong maiksi ang tatlong taon para maisakatuparan ng mga barangay at SK officials ang mga nais nilang ipatupad na programa.

Maliban dito, malaking gastos rin aniya ang pagsasagawa ng halalan tuwing tatlong taon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us