Naghain ng panukalang batas si Senador Robin Padilla na layong matugunan ang kakulangan ng mga huwes sa Shari’ah Courts
Sa Senate Bill 2820, layon ni Padilla na amyendahan ang Art. X, Sec. 8 ng RA 11054 o ang organic law ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ng senador na nakasaad kasi sa RA 11054 na kailangan ang pagiging miyembro ng Philippine Bar para maging Shari’ah judge sa Shari’ah Circuit Court.
Pero gaya aniya ng pinunto ng National Commission on Muslim Filipinos, ang mahigpit na requirements gaya nito ang isa sa mga dahilan kaya mahirap punan ang mga posisyon sa Shari’ah Circuit Courts.
Dagdag pa ng senador, sinabi na rin ng NCMF na dahil karamihan sa mga kasong tinatalakay sa circuit courts ay communal in nature, dapat mas mangibabaw ang kaalaman ng mga judges sa Shari’ah Courts kaysa sa legal expertise.
Giit din ni Padilla, walang ganitong requirement sa Art. 140 ng Presidential Decree 1073 o ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1977.
Sa halip, nakasaad dito na dapat nakumpleto ng mga huwes ang Shari’ah at Islamic jurisprudence courses ng Korte Suprema.
Sa panukala ni Padilla, aalisin sa Art. X, Sec. 8 ng RA 11054 ang requirement na pagiging regular member ng Philippine Bar, at sa halip ay idadagdag na ang iluluklok na huwes ay dapat nasa pratice ng Shari’ah Law ng hindi bababa sa limang taon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion