Panukalang magtatatag ng National DNA database, pasado na sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na layong magtatag ng National DNA database o ang Senate Bill 2474.

Ayon sa sponsor ng panukalang batas na si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, inaasahang sa pamamagitan ng panukalang ito ay mas magiging episyente at epektibo ang pagbibigay ng hustisya sa bansa.

Sa pamamagitan aniya nito ay matutulungan ang mga pulis sa bansa na lutasin ang mga krimen.

Sinabi rin ni dela Rosa, na magagamit rin ng mga prosecutor ang DNA database sa pag uusig ng mga kriminal.

Sa ilalim ng panukala, ang PNP Forensics Group-DNA laboratory division ang aatasang mangasiwa sa DNA database.

Kabilang sa mga obligasyon nito ay ang storing at disposing ng mga sample na gagamitin para sa forensic DNA analysis, at ang tiyaking secured at confidential ang mga nasa database sa lahat ng pagkakataon.

May probisyon rin sa panukala na magpaparusa sa sino mang mapapatunayang magta-tamper ng DNA records, kahit ang pagtatangkang magbago ng DNA samples, hindi tamang pagsisiwalat ng DNA samples, at pagtanggi na magbigay ng sample. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us