Bago tuluyang mag-adjourn ang Kamara ngayong araw ay tuluyang napagtibay ang House Bill 10800 o ang panukalang P6.352 trillion 2025 General Appropriations Bill.
Kasama na rito ang P733 million na budget para sa Office of the Vice President (OVP).
Aabot sa 285 na mga kongresista ang bumoto pabor dito habang ang tatlong MAKABAYAN bloc members ang tumutol.
Walong linggo ang ginugol ng Kamara para talakayin at himayain ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Tulad ng mga nakaraang budget, isang small committee ang binuo upang tumanggap ng individual amendments.
Ang naturang mga amyenda ay kailangan maisumite bago o hanggang September 27.
Itinalaga bilang miyembro ng small committee sina Appropriations Chair Elizaldy Co, senior vice-chair Stella Quimbo, Majority Leader Mannix Dalipe at Minority Leader Marcelino Libanan. | ulat ni Kathleen Forbes